
Yedda Marynel Arce


Ayun. Akin kasi, pantay-pantay pagkakatingin ko sa lahat. So, regardless kung LGBT ka, kung babae ka, lalaki ka, bakla, tomboy, pare-parehas tayo ng contribution. sa LIS? So, kung ano yung capacity na nagagawa ng ibang gender, kayang-kaya rin yun ng LGBT. So, whatever work na ginagawa ng ating LGBT professionals, uhm good job. Siguro, kung paano na lang, yung distinct contribution ng LGBT librarians. Kung baga, paano ba natin, kung saan tayo nakikilala, siguro, sa pag-o-organize ng mga events, diba? Tayo yung mga frontline, tayo yung pinag-h-host. Ayun, yung mga gano'ng klaseng contributions. Yun din yung namention ko kanina sa research, diba? Siguro yun nga dahil nga nag-iiba na ang library environment na, ang information environment natin. At dumadami na rin ang ating LGBT professionals. So mas magkakaroon ng ibang perspective yung ating colleagues, ah, hindi na, mas nagiging aware pa sila na sa mga, kung ano yung capacity na nagagawa ng isang LGBT professional.
LGBTQIA+ Contributions to LIS
